Sa lahat ng wala pang 18 taong gulang
Nagdurusa ka ba sa mga alalahanin na hindi mo masabi sa iba?
Ipapakilala namin sa iyo ang isang serbisyo sa konsultasyon upang matulungan kang maalis ang iyong mga alalahanin.
Narito ang isang tip para sa iyo.
I-click ang button sa ibaba para gamitin ito.
Sasagutin ng Tanggapan para sa Panukala sa Kalungkutuan at Pag-iisa
Kadalasang katanungan
-
Q
-
Kaya ko bang lutasin ang aking mga problema nang mag-isa?
-
A
-
Hindi, hindi mo kailangang lutasin ang iyong mga problema ng mag-isa.
Kung ikaw ay nag-iisa sa iyong mga problema, ang iyong mga ramdamin ay maaaring maging mas mahirap tiisin.Bakit hindi ka magsimula sa pakikipag-usap sa isang tao sa paligid mo o sa isang consultation center? Hindi nakakahiyang humingi ng tulong sa ibang tao.
-
Q
-
Ano ang dapat kong gawin kung walang taong nasa paligid ko na masasandalan?
-
A
-
May mga pagkakataon na mahirap para sa iyo na makipag-usap sa mga miyembro ng pamilya, guro sa paaralan, kaibigan, at iba pang nakapaligid. Sa ganitong mga pagkakataon, bakit hindi mo subukang makipag-usap sa isang serbisyo sa konsultasyon? Mayroong iba't ibang mga serbisyo sa pagpapayo, tulad ng mga chat room at mga tawag sa telepono.
Maraming tagapayo ang naghihintay para sa iyo na pumunta at makipag-usap. Gamitin ang chatbot na ito upang makahanap ng serbisyo sa konsultasyon na pinakaangkop sa iyo.
-
Q
-
May ibang tao ba na maliban sa guro na maaari kong kausapin sa paaralan?
-
A
-
May mga school counselor at school social worker, na mga eksperto sa pagtulong sa mga estudyante sa kanilang mga problema.
Habang pinoprotektahan ang iyong pagiging kumpidensyal sa iyong guro, pamilya, at kaibigan, sila ay makikinig sa mga kwenrto mo. Kung mayroon kang gustong pag-usapan, makipag-ugnayan sa kanila.
-
Q
-
Ano ang dapat kong gawin kung hindi ko makontak ang serbisyo ng konsultasyon?
-
A
-
Maraming natatanggap na tawag ang serbisyo ng konsultasyon araw-araw. Maaring hindi ka masagot agad. Sa ganitong pagkakataon, huwag sumuko sa pakikipagugnayan at subukan ang ibang serbisyo sa konsultasyon.
Laging may taong handang makinig sa iyo. Maaari mo ring gamitin ang chatbot na ito upang maghanap ng serbisyo sa konsultasyon.
Nag-iisa ka ba sa mga problema mo?
Ipapakilala namin sa iyo ang isang serbisyo sa konsultasyon upang matulungan kang maalis ang iyong mga pagdududa.
I-click ang button sa ibaba upang subukan ito.